Para ulit sa’yo
Ayoko na. PInapaiyak mo ako lagi.
Hindi mo ako pinapatulog. I keep thinking about you. Bago ako matulog, iniisip kita. Sana maayos ka. Sana mapanaginipan kita. Gaya ngayon. 2:24 na ng umaga. Dalawang oras na ako sa kama. Hindi ako makatulog. Bumangon na lang ako para sulatan ka.
Paggising ko sa umaga, ganun pa rin. Lagi, hinahanap kita. I want to text you. I want to call you. Pero I don’t know how. I know I can’t.
Pag nasa biyahe ako. Pag nasa trabaho. Pag nagkukuwento ang officemate ko sa huling break-up nila, I think about you. Pag may makikita akong magkasama sa mall. Pag nanonood ako sine. Naiisip kita. Naiisip kita.
Pag sumasamba ako. Pag nagpre-pray ako. Ikaw na lang binabanggit ko. Sana ingatan ka. Sana ayos ka. Hindi ko na ko na nga naipapanalangin ang sarili ko minsan. Actually, yung pangarap ko, hindi ko nailalapit pag nanalangin ako. Para ngang kahit huwag na matupad ‘yon minsan. Dati lagi kong inilalapit yon. Tapos mahabang-habang listahan ng mga wish ko sa buhay. Ngayon ikaw na lang. Minsan isang sentence. Tapos wala na akong maisip na ipanalanging iba. Minsan maraming sentence pero puro tungkol sa’yo paulit-ulit.
Lagi ko sinasabi, ingatan ka Niya. Sana maayos ka. Sana healthy ka. Kung inilalapit ko minsan sarili ko, para lang sabihin na ingatan ako. Na maging malusog ako. Na humaba pa buhay ko. Alam mo kung bakit? Para lang mahintay ka. Para makita ka pa.
Wala na kong mahihiling pa. Ikaw na lang.
Ikaw na lang ang kulang sa buhay ko. Ikaw na lang hinihintay ko.
Please lang. Sana makita na kita.
Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.
December 7th, 2006 at 6:20 am
asus… how sweet. sana nga dumating na siya, jeco… (”,)
December 8th, 2006 at 4:44 am
sana tamaan na nga”siya” hehe =)
December 11th, 2006 at 3:17 am
uy namiss n kita…. kayong lahat…btw i hope makita mo na yang “angel” mo…. yung taong kukumpleto sa buhay mo…